657 biktima ng human trafficking, nailigtas ngayong 2021

Aabot sa 657 biktima ng human trafficking ang nailigtas ng mga otoridad sa 66 operasyon nito ngayong 2021.

Ayon sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), 41 suspek ang naaresto sa nasabing operasyon.

Mas mataas ang tala kumpara noong 2020 kung saan 30 biktima ng human trafficking ang nailigtas sa 317 operasyon nito at 40 indibidwal ang nahuli.


Noong 2019, 40 biktima ang nailigtas habang 62 suspek ang naaresto sa 210 operasyon.

Ang IACAT ay pinangungunahan ng Department of Justice na nagpapatupad ng Republic Act No. 9208 o ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Facebook Comments