Upang maserbisyuhan ang mga pasyenteng mahihirap na may problema sa Kidney, binuksan ngayon ang ika-65 na Malasakit Center na pangunahing programa ni Senator Christopher Lawrence Bong Go.
Ang pagbubukas ng Malasakit Center sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City ay sinabayan din ng pagpipirma sa Implementing Rules and Regulations ng Malasakit Center Law.
Layunin ng batas na bigyang pansin ang pangangailangan ng mga mahihirap na pasyente na walang kakayahan para makapagpagamot.
Nanguna sa signing ng IRR ng Malasakit Center si Senator Bong Go, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista, Secretary Francisco Doque III, Quezon City Cong. Angelina Tan at Dr. Rose Marie Liquete Director ng NKTI.
Iniabot din ni Senator Go sa NKTI ang tseke na may pondong ₱5 milyong piso bilang inisyal na pondo para sa mga pasyenteng mahihirap.
Sabi ng Senador, ngayong ganap ng batas ang Malasakit Center Law ay tiyak siyang mas maraming mahihirap na Pinoy ang makakapagpagamot na ng kanilang mga karamdaman.