66-anyos na ginang, maswerteng napili sa “Tawag ng Tulong” ng Serbisyong XL

18

Manila, Philippines – Isang 66-anyos na ginang ang muling napangiti ng DZXL 558 – RMN Manila matapos maswerteng mapili sa “Tawag ng Tulong” ng Serbisyong XL.

Si Merlie Aguinaldo, residente ng Moriones, Tondo, Maynila na isang mangangalakal.

Kwento ni nanay Merlie, hindi sapat ang kakarampot na kinikita nila ng mister sa kalakal.

Dagdag pa nito, kahit malalaki na ang tatlong anak at may sarili ng pamilya ay madalas pa rin itong humingi ng tulong sa kanilang may-asawa.

Gusto ni nanay Merlie na magkaroon ng maliit negosyo tulad ng pagtitinda ng lugaw sa tapat ng kanilang bahay.

Dahil dito, nais ng Serbisyong XL na tulungan siya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng extra puhunan na siya naman ikinatuwa nito at ipinagpasalamat.

Samantala, tuwang-tuwa naman sina Wigberto Pano, Jr. ng Montalban, Rizal at Freddie Abong ng Bulacan na nanalo ng P558.00 sa Ka-Birthday Game habang nanalo din ng P558.00 sina Ralph Kevin De Leon ng San Del Monte, Bulacan at helen Martinez ng Las Piñas para sa 558 Game.

Facebook Comments