Para lamang hindi ma-late sa school, bata sa Ukraine hinatid ng ama sakay ng helicopter

Ukraine – Hindi naging problema para sa isang bata sa Ukraine nang tanghaliin itong magising dahil hindi naman siya na-late sa eskuwelahan.

Alam mo kung bakit, inihatid lang naman siya ng kanyang papa sa sakay ng helicopter.

Nabatid na nakunan pa ng video ang pag-landing ng nasabing helicopter sa isang eskuwelahan sa Lipky district sa Kiev, Ukraine.


Dito, makikitang bumaba sa helicopter ang isang nagmamadaling bata na hindi pa nakuhang ayusin ang kanyang uniporme.

Sinasabing anak siya ni Andrey Palchevskii na dating may mataas na katungkulan sa pamahalaan ng Ukraine.

Agad na kumalat ang video sa internet kung saan umani ito ng samut-saring komento.

May mga hindi natuwa sa paggamit ng helicopter para lamang sa paghahatid sa school dahil pangungunsinti lamang ito sa bata.

Mayroon din namang nagsabi na naiinggit lang ang mga bumabatikos sa ginawa ng ama.
Nation”

Facebook Comments