Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng animnapu’t anim (66) na bagong positibong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Enero 14, 2021, mula sa 66 na bagong kaso, dalawampu’t apat (24) ang naitala sa Lungsod sa Ilagan; labing pito sa Lungsod ng Cauayan; anim (6) sa bayan ng San Mariano; apat (4) sa bayan ng Ramon; tig-tatlo (3) sa bayan ng Alicia, Tumauini, at Luna; dalawa (2) sa bayan ng Benito Soliven at tig-isa (1) sa bayan ng Cabatuan, Roxas, San Pablo at Santiago City.
Gayunman, nakapagtala pa rin ng 44 na bagong gumaling sa COVID-19 ang Isabela na nagdadala sa kabuuang bilang na 3,082.
Tumaas naman sa 481 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya habang nasa 57 na ang naitalang nasawi na positibo sa COVID-19.
Mula sa bilang ng aktibong kaso sa probinsya, apat (4) rito ay mga Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); dalawampu’t pitong (27) health workers; sampung (10) pulis; at 440 na Local Transmission.