66 na indibidwal, kinasuhan na ng illegal recruitment at estafa sa DOJ

Kinasuhan na Department of Justice (DOJ) ng illegal recruitment at estafa ang 66 na recruiters na nagsamantala sa programa ng pamahalaan na pag-deploy ng seasonal workers sa South Korea.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Officer in Charge Hans Leo Cacdac, nangyari ito matapos magreklamo ang mga nasabing overseas Filipino Worker (OFW).

Samu’t sari ring reklamo ang naitala ng ahensya kabilang ang 160 may kinalaman sa paglabag sa kontrata at ilegal na pagtago ng pasaporte ng Pinoy workers.


Binigyang diin ni Cacdac na modus ng mga recruiter na tumayong broker at maningil ng P10,000 hanggang P100,000 sa mga benepisyaryo ng programa para makapagtrabaho sa South Korea gayung wala namang dapat bayaran.

Sa ngayon, umabot na sa 3,400 na seasonal workers ang nakarating sa South Korea na hindi dumaan sa tamang proseso at sa Departamento ng Migrant Workers.

Facebook Comments