6,600 Tablets ng Anti-COVID Drug Baricitinib, meron na sa Manila

Personal na tinanggap nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Doktora Honey Lacuna ang 6,600 tablets ng anti-COVID drug Baricitinib nitong Biyernes, Nobyembre 26, ang gamot na ito ay ibibigay sa mga pasyenteng nakararanas ng moderate to severe COVID-19 symptoms.

“Pumanatag kayo dahil kasama niyo kami ni Vice Mayor Honey Lacuna at ang buong pamahalaang lungsod ng Maynila dito sa ating kinakaharap na pandemya,” pahayag ni Moreno.

“Patuloy kaming magsisikap na maging mainam, masinop, at episyenteng mga lingkod bayan,” dagdag ng Alkalde.


Ayon sa US Food and Drug Administration (US-FDA), nakita na mayroong 29-day shorter recovery time sa isinagawang clinical trials sa mga COVID-19 patients na binigyan ng gamot na Baricitinib kasabay ng Remdesivir.

Magagamit ang Baricitinib sa anim na ospital sa lungsod; Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila, Gat Andres Bonifacio, Justice Jose Abad Santos, Ospital ng Sampaloc at Ospital ng Tondo, maging sa Manila COVID-19 Field Hospital.

Facebook Comments