66TH ANNIVERSARY| Paglulunsad ng programang Radyo Trabaho ng DZXL 558 RMN Manila, naging matagumpay

Makati City – Naging matagumpay ang isinagawang jobs fair ng DZXL 558 RMN Manila bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-66 na anibersaryo ng Radio Mindanao Network.

Kasabay din nito ang paglulunsad ng pinakabagong programa ng DZXL 558 na “Radyo Trabaho” kung saan maghahatid ito ng serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng paghahanap at pagbibigay ng trabaho sa mga tagapakinig.

Sa naganap na jobs fair, umabot sa 131 ang mga aplikante nakiisa kung saan 12 dito ang na hired-on-the-spot, kabilang ang aplikanteng si Rodilyn Mesa ng Taguig City na natanggap bilang sales clerk ng isang clothing company.


Ayon kay Rodilyn, naghahanap siya ng trabaho ng mapadaan sa istasyon at nasaktuhan ang isinasagawang job fair.

Masayang umuwi naman si Melvin Javines ng Antipolo City matapos agad na matanggap sa inaplayang trabaho sa abroad.

Sa interview naman kay Ms. Shaina Otchoa ng kompanyang Bench, kahit hindi college graduate ay kanilang tinatanggap basta makapasa sa initial interview.

Sa pakikipagtulungan kay Mr. Raffy Chico ng programang HAPPI, target din ng “Radyo Trabaho” ang mga PWDs.

Nakangiti din umuwi ang mga aplikante dahil bukod sa natanggap sa trabaho may naiuwi rin silang mga papremyo.

Bukod sa jobs fairs, naserbisyuhan din DZXL ang 585 sa isinagawang medical mission.

Facebook Comments