Ano ang Comment Mo sa Supply at Bentahan ng NFA Rice sa Camarines Sur?…

Malaking katanungan ngayon sa Camarines Sur ang supply ng NFA rice.
Sa nakuhang larawan, makikitang halos wala ng laman ang bodega ng NFA Camarines Sur.
Kaya tanong ng nakararami, NAPASAAN NA?… NAPANO?
Makikita naman sa iba pang larawan na mahaba ang pila ng mga gustong makabili ng NFA Rice sa harap ng impormasyong sapat umano ang supply ng NFA rice na ipinamahagi sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa.
Malaking usapin dito ang umano’y pagbili ng Camarines Sur Provincial Government ng libu-libong sako ng NFA rice sa kadahilanang gagamitin umano ito sa food-for-work program ng probinsiya.

Abangan sa RMN Naga – DWNX ang iba pang impormasyon tungkol sa isyung ito.



Facebook Comments