67 Delta variant cases, Naitala sa Cagayan Valley

Cauayan City,Isabela- Muling nakapagtala ng karagdagang animnapu’t pitong (67) kaso ng mga tinamaan ng COVID-19 Delta variant ang buong rehiyon dos.

Ito ay base sa ginawang Biosurveillance Report ng Department of Health (DOH) Central Office, University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH).

Batay sa DOH report, nakapagtala ng kauna-unahang dalawang kaso ng COVID variant ang bayan ng Ivana, Batanes habang sa Quirino Province ay naitala ang tig-isang kaso mula sa mga bayan ng Aglipay, Cabarroguis, Maddela at Saguday.


Bukod dito, nakapagtala rin ng pitong (7) panibagong kaso ang Nueva Vizcaya na kinabibilangan ng dalawa (2) mula sa bayan ng Solano at tig-isang naman sa mga bayan ng Bagabag, Bayombong, Dupax del Sur, Quezon at Santa Fe.

Nakapagtala rin ng dalawamput anim (26) na kaso ang Cagayan kabilang ang labing-isa (11) sa Tuguegarao City, tig-dalawa (2) sa bayan ng Sto. Niño at Solana at tig-isa naman sa mga bayan ng Alcala, Amulung, Aparri, Baggao, Ballesteros, Camalaniugan, Iguig, Lasam, Pamplona, Sta. Praxedes at Tuao.

Samantala, nananatili naman ang lalawigan ng Isabela sa may pinakamaraming kaso ng Delta variant matapos makapagtala ng dalawampu’t walong (28) kaso kabilang ang apat (4) sa Santiago City, tatlo (3) sa bayan ng San Isidro at tig-dalawa (2) naman sa mga lugar ng Cauayan City, Echague at Gamu habang tig-isang kaso naman ang mga bayan ng Alicia, Aurora, Benito Soliven, Burgos, Cabagan, Cabatuan, Luna, Mallig, Naguilian, Quezon, Ramon, Roxas, San Manuel, San Mateo at Ilagan City ay may tig-isang kaso.

Naitala naman ang kaso ng pagkamatay dahil sa Delta variant matapos maiulat ang anim (6) na kaso mula sa bayan ng Sto. Niño at Solana sa Cagayan gayundin sa mga bayan ng Alicia, Quezon at San Manuel sa Isabela.

Ang naitalang pumanaw sa Nueva Vizcaya ay ang kaso mula sa Solano habang gumaling na mula sa sakit ang iba pang 7 naiulat na mga kaso.

Patuloy naman ang panawagan ng health authorities sa publiko na sundin pa rin ang ipinapatupad na minimum health protocols.

Facebook Comments