67 hanggang 69 na bilang ng casualties, bineberipika pa ng NDRRMC

Aabot na sa pagitan ng 67 hanggang 69 ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng Bagyong Ulysses sa bansa.

 

Sa interview ng RMN Manila kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Mark Timbal, bine-beripika pa nila kung dahil sa bagyo ang dahilan ng pagkamatay ng dalawang casualties.

 

Ayon kay Timbal, posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi lalo na’t nasa 30 pa ang nawawala dahil sa malawakang pagbaha dulot ng bagyo sa Cagayan, Isabela, Calabarzon, Metro Manila at Bicol Region.


 

Sa ngayon ay nasa 21 na ang bilang ng nasugatan habang mahigit 83,000 katao na ang nailigtas.

 

Nasa 34,178 kabahayan na rin ang tuluyan nang nasira bunsod ng malawakang pagbaha.

Facebook Comments