67 na bagong immigration officers, itinalaga sa NAIA

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) ang deployment ng 67 na bagong immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kakatapos lamang ng nasabing immigration agents na sumailalim sa tatlong buwang training sa immigration laws, rules and procedures sa Philippine Immigration Academy sa Clark Field, Angeles City, Pampanga.

Aniya, Ang mga bagitong immigration officers ay sumailalim sa mahigpit na training para paghandaan ang kanilang trabaho bilang gatekeepers at border control officers ng bansa.


Sinabi ni Morente, na magha-hire pa ang BI ng karagdagang immigration officers para i-deploy naman sa iba pang major ports at border crossing stations sa bansa.

Facebook Comments