2 Binata, Huli sa Pagnanakaw ng Motorsiklo!

130

*D**iffun**, Q**uirino**-* Sa kulungan ang bagsak ng dalawang binata matapos na maaresto sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Brgy. Aurora East, Diffun, Quirino.

Nakilala ang mga suspek na sina Mark kenneth Bruno, nasa hustong gulang, residente ng Brgy Rizal, Diffun, Quirino at Arnel Butchayo, nasa tamang edad at residente naman ng Brgy. Andres Bonifacio, Diffun, Quirino.


Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, narekober ang motorsiklo na pag-aari ni Fluther Legado, 22-anyos, binata, guro at residente ng Barangay Baguio Village, Diffun, Quirino.

Ang nasabing motorsiklo ay unang pinarada ng biktima sa pamilihang bayan ng Diffun upang mamalengke ito.

Sa pagkawala ng nasabing motorsiklo ay agad na ipinaalam sa himpilan ng pulisya kung kayat agad na nag-conduct ng follow up operation ang pulisya at nakilala ang suspek base na rin sa kuha ng CCTV sa lugar.

Narekober ang nasabing motorsiklo sa bahay ni Jomar Lamsen, 40-anyos, may-asawa, isang mekaniko at residente ng Brgy Aurora East, Diffun.

Kaugnay nito, kasamang sinampahan ng kasong Carnapping ang mekaniko maliban sa dalawang tumangay sa naturang motorsiklo.

Facebook Comments

From Advertisers