68 Anyos na Lola, Nabiktima ng Budol-budol sa Nueva Vizcaya!

114

Cauayan City, Isabela- Nabiktima ng mga budol-budol gang ang isang lola matapos na limasin ang kanyang pera at alahas sa kanilang tahanan sa Brgy. Quirino, Solano, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang biktimang si Gloria Dumincel, 68-anyos na residente ng Brgy. Quezon, Solano, Nueva Vizcaya habang inaalam pa ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng apat na suspek.


Una rito, habang naghihintay ng masasakyan ang biktima patungo sana sa kabayanan ay lumapit sa kanya ang isa sa mga suspek at nagpanggap na ka-klase umano siya ng kanyang anak na nasa bansang Hongkong.

Nahikayat ang biktima na bumalik sa kanilang tahanan at pagdating sa bahay ng biktima kasama ang isang babae at drayber na suspek ay dito na sinamantala ang pagkakataon.

Inilabas umano ng biktima ang kanyang mga alahas at pera na nagkakahalaga ng P16,000.00 at tinangay ng mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nanguaring insidente.

Facebook Comments
From Advertisers