Matagumpay ang tatlong araw na Oplan Tabang COVID-19 Response ng RMN Networks, RMN Foundations at DZXL Radyo Trabaho.
Sa pag-iikot ng aming team sa Metro Manila, ramdam ang saya ng animnapu’t walong (68) ordinaryong manggagawa sa handog na special package.
Isa lamang ito sa paraan ng RMN upang makapagbigay pugay sa lahat ng mga manggagawa na nagsasakripisyo para maitaguyod ang kanilang pamilya sa kabila ng kinakaharap nating pandemya.
Kaya abangan bukas, August 28, 2020, ang raffle sa ‘Bisikle-Trabaho’ Promo kung saan dalawang maswerteng obrero ang makakapag-uwi ng dekalidad na mountain bike.
Ang Oplan Tabang ay proyekto ng RMN Networks at RMN Foundations na ginagawa sa lahat ng RMN Stations nationwide bilang pasasalamat sa patuloy ninyong suporta sa amin.
Bahagi pa rin ito ng 2-in-1 celebration ngayong Agosto sa 68 anibersaryo ng RMN Networks at ng inyong Radyo Trabaho na magdiriwang ng ika-2 taong anibersaryo sa pagbibigay ng gabay sa hanapbuhay.
Ang Oplan Tabang COVID-19 Response ay hatid sa inyo ng Pfizer Philippines Foundation at ACS Manufacturing Corporation, makers ng Shield bath soap at Unique Toothpaste.