68 milyong halaga ng shabu, nasabat sa apat na suspek sa Laguna

185

Arestado ang tatlong katao at isang menor de edad sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police- Drug Enforment Group (PNP-DEG) at Philippine Drug Enforcement Agenacy (PDEA) sa Laguna.

Kinilala ang mga suspek na sina Ace Arciaga, 35-anyos at residente ng Laguna, Shamewayne Darvin, 19, Benz Gonzales, 21 at kapwa residente ng Muntinlupa City habang hindi naman pinangalanan ang menor de edad.

Nahuli sa mga ito ang 10 kilo ng pinaghihinalaang shabu na mayroong street value na 68 million pesos.


Naka-detain na ang mga suspek PNP-Drug Enforcement Group at mahaharap sa kasong drug trafficking habang itinurn-over naman ang menor de edad sa Social Welfare department.

Facebook Comments