68th Malasakit Center, binuksan ni Senador Bong Go sa East Avenue Medical Center

Binuksan ngayong araw ang ika-68 na Malasakit Center na pangunahing programa ni Senator Christopher Lawrence Bong Go.

Matatagpuan ang bagong Malasakit Center sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.

Ayon kay Senador Go, hindi na kailangang pumila pa ang napagpagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) sa Social Service Department at iba pang ahensiya dahil one-stop shop na ang Malasakit Center.


At dahil pinondohan na ang pagpapa-ospital sa ilalim ng Malasakit Center Law, target ni Go na gawing zero billing ang pagpapagamot ng mga pasyente sa EAMC.

Malugod tinanggap ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang 5 million pesos na paunang pondo para sa Malasakit Center sa naturang lugar.

Kasama ni Go na nag alis ng tabing ng Malasakit Center sina Department of Health Secretary Francisco Duque at Presidential Assistant for the Visaya Michael Dino.

Facebook Comments