2 AWOL na pulis na suspek sa pagpatay kay Richard Santillan, sumuko kay PNP Chief Archie Gamboa

Makaraang magtago ng mahigit isang taon dahil sa kasong murder, sumuko na sa Philippine National Police o PNP ang dalawsa sa 20 pulis na suspek sa pagpatay kay Richard Santillan at Jessamyn Casing.

Si Santillan ang aide ni dating Biliran Representative Glenn Chong na napatay sa operasyon ng pulisya sa Cainta Rizal noong December 9, 2018.

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Gamboa, personal na sumuko sa kanya ang dalawang pulis na nag- AWOL o Absent without Leave.


Ito ay sina Police Captain Jobin Russel Barnacha at Police Staff Seargent Alvin Dela Cruz.

Ang dalawa ay nagpaliwanag kay PNP Chief at nilinaw ang pagkakasangkot nila sa krimen.

Samantala, patuloy naman ang pagtugis ng PNP sa iba pang mga pulis na mayroon ding warrant of arrest sa kasong murder.

Facebook Comments