69-anyos na ginang sa China, nagse-cellphone habang inooperahan

China – walang takot na gumamit ng cellphone ang isang 69-year-old na ginang habang sumailalim sa operasyon sa ospital sa Hangzhou, sa lalawigan ng Zhejiang.

Kinilala lamang ang pasyente sa apelyidong Zhu, na sampung taon nang iniinda ang maraming varicose veins sa kanyang mga binti bunsod ng dating trabaho nito na palaging nakatayo.

Bagamat pinagbabawalan ang cellphone sa loob ng operating room, pinayagan ito ng doctor ni Zhu, dahil nakita niya ang sobrang nerbiyoso ng kanyang pasyente at gusto niyang ma-relax lamang ito.


Habang operasyon, nakuha pa ni Zhu na magbasa ng mga post ng mga kaibigan sa social media at kunan ng litrato ang kanyang mga doktor at nurse.

Naging matagumpay ang operasyon na tumagal lamang ng 18 minuto.

DZXL558

Facebook Comments