69 Magsing-irog, Sabay-sabay na Ikakasal sa Araw ng mga Puso!

53

*Cauayan City, Isabela- *Sabay-sabay na ikakasal bukas, Pebrero 14, 2020 ang nasa 69 na magkasintahan sa bayan ng Alicia, Isabela.

Magsisimula ang kasal sa oras na alas 9:00 ng umaga sa Alicia Community Center.


Ayon kay Ms. Ednalin Layugan ng PAG-IBIG Cauayan Branch, sasagutin lahat ng kanilang tanggapan ang gastos ng 50 couples habang ang 19 ay sasagutin ng LGU Alicia.

Tanging ang kanilang suot lamang sa araw ng kanilang kasal ang gagastusin ng mga magpapalitan ng “I do” bukas.

Mayroon din aniyang ibibigay na regalo at cash sa mga couples ang PAG-IBIG para sa kanilang pangkabuhayan.

Dagdag ni Ms. Layugan, ito aniya ang mga nakapag kumpleto sa kanilang mga kinakailangang dokumento.

Facebook Comments