Apat, arestado sa iligal na droga sa Maynila

16

Arestado ang apat na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Pandacan, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Jamil Ibrahim Ampaso, Richard Elmer Bleau, John Bongat at Jay Cris Conception.


Ikinasa ng Manila Police District Station 10 ang operasyon matapos makumpirmang talamak na nagbebenta ng iligal na droga ang mga suspek sa may area ng Pandacan at San Andres sa Maynila.

Nagkasundo ang poseur buyer at mga suspek na magkita sa may Menandro Street kanto ng Flerida Street sa Pandacan at nang mapalitan ng droga at pera ay dito na pinalibutan ang apat na suspek.

Nakuha sa kanila ang walong sachet ng shabu na may bigat na 15 gramo at nagkakahalaga ng P108,000.

Aminado ang mga suspek na nagbebenta ng shabu pero tikom ang kanilang bibig ng tanungin kung sino ang kanilang source at saan sila kimuha ng iligal na droga.

Facebook Comments