Pawang mga kidnapping ng mga Chinese nationals na may kaugnayan sa casino ang naitatala ng PNP Anti-Kidnapping Group.
Sa kanilang datos simula 2017 hanggang nitong November 2019 ay nakapagtala na sila ng 69 na kaso.
Ayon kay PNP AKG spokesperson Police Lt. Col. Jewel Saliba, wala na silang naitatalang kaso ng kidnapping ng mga local kidnaping for ransom groups.
Bukod sa nangyari sa kidnapping ng mag-asawang Allan at Wilma Hyrons sa Mindanao na nailigtas ng AFP ay wala na silang naitatalang iba pang kaso.
Sinabi ni Saliba na noong 2017 ay nakapagtala sila ng 17 kaso.
Habang 16 noong 2018 at 36 na sa 2019 mula Enero hanggang Nobyembre pa lamang.
Hindi pa kasama rito ang sunod-sunod na kaso ng kidnapping ng mga Chinese nationals na may kaugnayan sa casino nitong buwan ng Disyembre.