Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

83

Makakaranas pa rin ng mga pag-ulan ang Bicol Region, Quezon Province at Samar dahil sa tail-end of a cold front.

Kaya humigop muna ng mainit na kape na sinabayan pa ng pagkain ng kakanin na Balisoso sa Bicol Region.


Patuloy namang iiral at magpapaulan ang amihan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Aurora at nalalabing bahagi ng Luzon.

Kaya humigop muna ng mainit na sabaw ng kaleskes habang sumisilong sa Cuenca Cave sa Alaminos, Pangasinan.

Magtampisaw naman sa malamig na tubig ng Salakot Falls sa Puerto Princesa, Palawan.

Magandang panahon kasi ang mararanasan sa Mindanao at nalalabing bahagi ng Visayas maliban na lamang sa localized thunderstorm sa hapon o gabi.

Facebook Comments