7.2 milyong mag-aaral, nakapag-enroll na para sa school year 2021-2022

Umabot na sa 7.2 milyong mga mag-aaral ang nakapag-enroll para sa nalalapit na pagbubukas ng school year 2021-2022.

Batay sa huling datos ng Department of Education (DepEd), 2,570,377 mag-aaral ang nakapag-enroll sa pampublikong paaralan, 118,997 sa pribadong paaralan at 3,064 sa mga state universities at colleges maging sa local universities at colleges.

Tinatayang nasa 4,557,327 mag-aaral ang maagang nakapag-enroll bago pa ang nasabing datos.


Nangunguna ang Calabarzon sa pinakamaraming nagpalista na mayroong 1,153,088 ang bilang; sinundan ng National Capital Region na may 688,668 at Central Luzon na 676,093.

Magsisimula ang school year 2021-2022 ang September 13.

Facebook Comments