Base sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumalabas na tumaas sa 7.3% ang Gross Regional Domestic Product (GRDP) ng ARMM noong 2017.
Nakabawi umano ang ekonomiya ng ARMM mula sa 0.4% growth noong 2016 ngayon ay pangp-anim na ito sa mga rehiyon na may pinakamataas na GRDP growth.
Ang GRDP ay kasangkapan sa pagsukat ng economic activities ng mga rehiyon.
Tumutukoy ito sa pangkalahatan o kabuoang dami at halaga ng mga produkto at serbisyo sa isang bansa o rehiyon sa loob ng isang buong taon.
Kaugnay nito, binati ni PSA Undersecretary Lisa Grace Bersales ang regional government sa mahusay na performance nito.
Sinabi naman ni ARMM Governor Mujiv Hataman na resulta ito ng mabuti at mainam na pamamahala.
Facebook Comments