7.5 million na Pilipino, rehistrado na sa National ID

Umabot na sa 7.5 milyong Pilipino ang rehistrado para sa Philippine Identification System o PhilSys ID.

Nabatid na umarangkada na ang first step registration para sa National ID kung saan target na maiparehistro ang siyam na milyon bago matapos ang taon.

Sa ilalim ng step 1, magsasagawa ng interview at kukunin ang demographic information.


Sa Step 2, mahigit limang milyon naman ang target na maiparehistro kung saan kokolektahin ang biometric data tulad ng fingerprint at iris scan o pag-scan sa mata.

Ang PhilID ay mayroong Card Number (PCN Number) at QR code na pwedeng gamitin sa mga transaksyon sa mga tanggapan ng gobyerno, mga bangko, at iba pang mga institusyon.

Malalaman din ang pagkakakilanlan ng isang tao sa PhilSys kahit hindi dala ang ID, ito ay sa pamamagitan ng PCN Number.

Tiwala ang pamahalaan na mapapadali ang pagbibigay ng serbisyo at ayuda sa publiko kapag mayroong Phil ID ang lahat ng Pilipino.

Facebook Comments