7.6 milyong halaga ng shabu, nakumpiska sa Cainta

Arestado ang tatlong drug suspek kasama ang kanilang mga live-in partner sa ikinasang buy-bust operation ng Rizal PNP at PNP Drug Enforcement Group sa Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal kagabi.

Nakuha ng mga pulis sa mga suspek ang nasa 1,130 grams ng shabu na may halagang mahigit ₱7.6 million.

Sa ulat ng Rizal PNP, ang tatlong mga nahuling drug suspek ay kinilalang sina James Vicencio Conco, 19 anyos, at Diana Vallador Antonio, 19 anyos kapwa residente ng Brgy. Concepcion 1, Marikina City at Richard Madarang Arellano, 43 anyos residente ng Malanday, Marikina.


Nakuha rin sa mga suspek ang 150,000 boodle money na ginamit sa buy-bust operation ng PNP.

Sa ngayon, nakakulong na ang mga suspek at nahaharap na sa kaso.

Facebook Comments