7, arestado dahil sa hoarding at over price na alcohol sa Tondo, Maynila

Arestado sa ikinasang buy bust operation ng Manila Police District (MPD)-station 1 ang pitong katao dahil sa hoarding at over price na alcohol.

Nakilala ang mga nadakip na sina Rose Ann Gaddi, Cristina Samson, Antonio Samson Jr., Joanne Alejandro, Andrea Nieves, Mary Jane Aliga at Bob Cazzie Nellas.

Ikinasa ang operasyon sa gilid ng simbahan ng Kambal na Krus sa Raxabago kanto ng Juan Luna Street Barangay 151 sa Tondo kung saan nakabili ang mga otoridad ng 60 piraso ng 1 litro ngla plastic bottle ng alcohol sa halagang P30, 000.00 o P500. 00 kada isa na nakalagay sa apat na kahon.


Matapos tanggapin ang boodle money, agad na dinakip ng mga pulis sina Gaddi, Samson, Samson Jr., Alejandro at Nieves.

Sa gitna naman ng interogasyon, biglang tumawag ang suspek na si aliga saka ini-offer ang itinitinda nitong alchol na P600. 00 kada isang gallon.

Dah dito agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mpd station-1 na nagresulta sa pagkaka-aresto kay aliga at sa driver nito na si nellas.

Nakumpiska sa kanila ang nasa 150 gallon ng isoprophyl alcohol na nasa 3.4 liter kada isang gallon sa loob ng suv nito sa mwy bahagi ng

Tayuman kanto ng G. Perpecto Street,  Barangay 55 sa Tondo.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa paglabag sa RA 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act kung saan inaalam na din ang iba pa nilang kasabwat maging ang pinaka-supplier nila ng alcohol.

Facebook Comments