7 Babae na Natiklo sa Pagsusugal, Dinakip ng Otoridad!

81

Cauayan City, Isabela- Hindi na nakaiwas sa panghuhuli ng mga alagad ng batas ang pitong (7) kababaihan na naaktuhang nagsusugal sa kabila ng mahigpit na pagbabawal at paglabag ng mga ito sa municipal ordinance na hindi pagsusuot ng facemask at social distancing sa Brgy. Gomez, San Isidro, Isabela.

Ang mga nahuli na naglalaro ng ‘Betgame’ ay nakilalang sina Everlyn Marling, 22 anyos; Teresa Catadina, 31 anyos; Virginia Madayag 68 anyos; Teresita Tolentino, 49 anyos; Elenita Espiritu, 22 anyos; Rosalinda Tabadero, 50 anyos at Cecelia Marling, 45 anyos na pawang mga residente ng Brgy. Gomez ng naturang bayan.

Nakumpiska sa lugar ang mga ginamit na baraha, pera na nagkakahalaga ng Php570.00 at isang (1) kahoy na lamesa.

Dinala na sa San Isidro Police Station ang mga suspek maging ang mga nakumpiskang item para sa kaukulang dokumentasyon.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling na isasampa laban sa mga nahuli.

Facebook Comments