Iniulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular Talk to the People na 7 households na lamang ang nasa ilalim ngayon ng granular lockdown.
Ayon kay Año, 1 syudad sa National Capital Region (NCR) at 2 munisipalidad sa Cordillera Administrative Region (CAR) o 3 barangay na lamang ang apektado ng granular lockdown.
Katumbas ito ng 2 household o kabahayan sa NCR na 2 indibidwal ang apektado at 5 households sa CAR kung saan 5 indibidwal naman ang apektado.
Una nang sinabi ng gobyerno na magtutuloy- tuloy parin ang pagpapatupad ng granular lockdown kahit karamihan na ng mga lugar sa bansa ang nasa alert level 1.
Samantala, sinabi pa ni Año na bahagyang tumaas ang mga naitatalang lumalabag sa health and safety protocols.
Sa pinakahuling datos ng DILG 90,585 ang mga nahuling hindi nagsusuot ng face mask, 931 naman ang mga nahuling nagsasagawa ng mass gathering at higit 34,000 ang lumalabag sa social distancing.