MANAGER NG ISANG FAST FOOD CHAIN SA CAUAYAN, CITY, NABUDOL

Cauayan City, Isabela- Isa na namang empleyado ng isang fast food chain sa kahabaan ng brgy. San Fermin, Cauayan City ang nabiktima ng pambubudol.

Batay sa ating inisyal na nakalap na impormasyon, dakong alas sais kagabi nang magtungo sa mismong himpilan ng pulisya ang isang babaeng biktima na itinago sa pangalang “Jessica”, manager ng isang fast food chain dito sa Cauayan upang idulog ang nangyaring pambubudol sa kanya ng suspek doon mismo sa loob ng fast food chain.

Ayon sa biktima, isang lalaki na hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ang nagpapalit ng pera doon mismo sa counter na kung saan ay marami umanong mga sinasabi ang suspek sa biktima hanggang sa siya ay nalito at naisahan ng suspek.

Natangay ng suspek sa biktima ang halagang 9,000 pesos na kung saan ay agad na lumabas sa kainan ang suspek at agad na tumakas. Batay sa kuhang footage ng ilang CCTV camera sa lugar, ay hindi nakita kung may dalang sakay ang suspek nang siya ay dumating sa fast food chain at noong siya ay umalis matapos ang pambubudol.

Kaugnay nito ay kasalukuyan ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa nangyaring pambubudol para sa agarang pagkakakilanlan at paghuli sa suspek.

Una nang nagtungo sa mismong pinangyarihan ng insidente ang mga imbestigador ng PNP Cauayan upang tignan at siyasatin ang lugar at sila ay magrerequest na rin ng CCTV Footage sa mga katabing establisyimento bilang bahagi pa rin ng kanilang ginagawang pagsisiyasat.

Samantala, first time lamang na nakaranas ng insidente ng pambubudol ang naturang fast food chain na kung saan ay tiwala ang security guard nito na matagal nang pinag-aralan at plinano ng suspek ang panggogoyo sa mga nasa kahera sa pamamagitan ng teknik na pagpapapalit ng pera.

Facebook Comments