Cauayan City, Isabela- Nasa pitong (7) barangay sa lalawigan ng Isabela ang apketado ngayon ng pagbaha bunsod ng pagpapakawala ng imbak na tubig mula sa Magat reservoir.
Ito ay batay sa datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2 makaraang makatanggap ng datos mula sa mga Local Government Unit (LGU).
Ayon kay Information Officer Vanessa Diane Nolasco ng Disaster Division ng DSWD, kinabibilangan ito ng barangay District 1 at 3 sa Cauayan City; Barangat Salay at Mabuhay sa Echague; San Rafael Abajo, Ammugauan at Malapagay sa bayan ng Sto. Tomas.
Kanila namang tinitiyak na mabigyan ng tulong ang mga pamilyang apektado ng pagbaha.
Bagama’t sapat pa sa ngayon ang suplay ng mga pagkain na ibinibigay ng mga LGU sa kanilang kababayan ay handa rin ang DSWD na umagapay sa pagbibigay nito na kasalukuyang nasa 18, 281 foodpacks ang nakahanda.
Bukod dito, nasa tatlong (3) pamilya o siyam (9) na indibidwal sa Tuguegarao City at siyam (9) na pamilya o 41 indibidwal sa City of Ilagan ang nasa evacuation center.
Nagpapatuloy naman ang monitoring ng ahensya sa posibleng iba pang apektado ng pagbaha sa rehiyon.