7 Bayan at 1 Siyudad sa Cagayan Valley, Nakategorya sa ‘Local Transmission’

4341

Cauayan City, Isabela- Nasa kabuuang pitong (7) bayan at isang (1) siyudad sa rehiyon dos ang nananatili pa rin sa kategoryang local transmission ng Department of Health (DOH).

Batay sa datos ng ahensya, kinabibilangan ito ng mga bayan ng San Manuel, Gamu, Tumauini, at Santiago City sa Isabela; bayan ng Enrile sa Cagayan; Bayombong, Bagabag, at Aritao sa lalawigan naman ng Nueva Vizcaya.

Nangunguna naman sa may mataas na cases linked ang bayan ng Bayombong at Gamu na may 32; Enrile na may 29 at Santiago City na may 26; Aritao na may 24, Bagabag na may 20, Tumauini na may 12 at San Manuel na may 10.

Sa barangay clustering, nananatili pa rin ang barangay roxas sa bayan ng Naguilian na may 8 kaso.

Samantala, pumalo na sa kabuuang 2,125 ang tinamaan ng virus sa Cagayan valley habang 418 ang nananatiling aktibo.

Facebook Comments