Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, nagbitiw na bilang Speaker ng Kamara

Nagbitiw na bilang House Speaker si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano habang isinasagawa sa plenaryo ang pagsasapormal ng botohan para kay Speaker-elect Lord Allan Velasco.

Sa Facebook live ni Cayetano, sinabi nito na “verbally” ay nagbibitiw na siya ngayong araw bilang Speaker ng Kamara.

Bago ang kanyang resignation ay humingi muna ito ng paumanhin kay Pangulong Rodrigo Duterte kung nagkamali siya ng interpretasyon na tapusin muna ang 2021 national budget.


Paliwanag ni Cayetano, hindi niya intensyon na suwayin ang utos ng Pangulo.

Humingi rin ito ng patawad sa kanyang maybahay na si Taguig Rep. Laarni Cayetano gayundin sa kanyang mga staff.

Nagpasalamat din si Cayetano sa mga sumusuporta sa kanya sa Mababang Kapulungan.

Hinimok din nito ang bagong liderato ng Kamara na ipasa ang budget at ipinaabot na handa siyang makipagtulungan.

Facebook Comments