Naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pitong biktima ng human trafficking na patungo sana ng Iraq.
Ang naturang mga biktima ay pawang nagpanggap na mga turista at sasakay sana sa Scoot Airways patungong Singapore.
Gayunman, sa pagtatanong ng immigration officers, umamin ang pitong Pinay na ang kanilang final destination ay Erbil, Iraq.
Anila, sila ay ni-recruit para magtrabaho roon bilang janitresses at tatanggap ng buwanang sahod na US$1,000.
Sa ngayon ay umiiral pa rin ang deployment ban ng Pilipinas sa Iraq sa harap ng mga nagaganap doon na karahasan.
Facebook Comments