7 Chinese nationals, arestado ng BI sa illegal quarrying operations sa Batangas

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang 7 Chinese nationals na iligal na nagtatrabaho sa isang quarrying operations sa Batangas.

Ayon sa BI, ang target sana nila sa operasyon ay ang 34 anyos na si Wang Zhenglai.

Gayunman, nagulat sila na may iba pa palang Chinese sa quarry site.


Kabilang sa mga naaresto ang 67 anyos na si Wang Shou Min, na ‘big boss’ sa naturang mining company, at ama ni Wang Zhenglai.

Ang pagkaka-aresto sa Chinese nationals ay kasunod ng intelligence information na may ilang Tsino ang iligal na nagtatrabaho sa mining operations sa Pilipinas.

Facebook Comments