Mga Pilipinong atleta na sasabak sa Paris Olympics, pinagkalooban ng Kamara ng tulong pinansyal

Pinagkalooban ng tulong-pinansyal ng tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang atletang Pilipino na kakatawan sa Pilipinas sa Paris Olympics.

Ito ay sina Levi Jung-Ruivivar at Carlos Edriel Yulo na parehong gymnasts.

This slideshow requires JavaScript.


Kasama ang mga weightlifters na sina John Ceniza, Eireen Ando, at Vanessa Sarno, at ang rower na si Joanie Delgaco.

Diin ni Speaker Romualdez ang pagsabak ng mga Filipino athlete sa Paris Olympics ay isang karangalan para sa ating bansa at pagkakataon na maipapakita sa buong mundo ang ating kahanga-hangang talento at galing.

Ayon kay Romualdez, ang Kamara ay palaging handang sumuporta sa mga atletang Pilipino na ang sipag, tatag at determinasyon ay labis na kahanga-hanga at nagsisilbing inspirasyon para sa lahat.

Facebook Comments