7-day average cases ng COVID-19 sa NCR, bumaba – OCTA

73

Mas mababa na sa 300 ang 7-day average cases ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research group, ito ang kauna-unahan simula noong January 2-8, 2021.

Ang 7-day average case ay nasa 2% ang positivity rate habang ang growth rate ay nasa -31%.


Ang Average Daily Attack Rate o ADAR sa NCR ay nasa 2.07 na lang habang nanantili sa 0.50 ang reproduction number sa NCR.

Sinabi pa ni David na posibleng mas mababa pa sa 200 ang inaasahan sa 7-day average case ng COVID-19 sa NCR sa unang linggo ng Disyembre.

Facebook Comments