Pangulong Duterte, hindi pa tiyak kung mabibigyan din ng booster shot

Hindi pa masabi sa ngayon ng Malakanyang kung mabibigyan na rin ng booster shot si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexi Nograles kasabay ng pag-arangkada nang pagbibigay ng booster shot sa mga senior citizens, may comorbidities at medical health workers.

Ayon kay Nograles, depende kasi ito sa usapan ng pangulo at ng kanyang attending physician.


Abangan na lamang aniya kung isasapubliko ito saka-sakaling matuloy.

Matatandaang July 12 noong matanggap ng pangulo ang kanyang 2nd dose o eksaktong 70 araw matapos na maiturok ang unang dose noong May 3.

Facebook Comments