7 Kasapi ng NPA sa Abra, Sumuko sa Pamahalaan

Cauayan City, Isabela- Nagbalik-loob sa pamahalaan ang pitong (7) kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Santo Tomas, Manabo, Abra.

Ayon kay PCol. Christopher Acop, Provincial Director ng Abra Police Provincial Office, kabilang sa pitong sumuko ay ang 54 taong gulang na babae at anim ay mga kalalakihan na pawang mga residente ng probinsya ng Abra na mga miyembro ng Lumbaya Company na gumagalugad sa Cordillera region.

Dagdag dito, kasama sa isinuko ng isang dating lalaking rebelde ang isang Caliber 45 na baril na may kasamang tatlong bala.


Ayon pa kay PCol. Acop, ang pagsuko ng pitong dating NPA ay resulta ng pinagsamang pwersa ng hanay ng kapulisan sa probinsya ng Abra para sa pagsugpo ng insurhensiya sa Lalawigan.

Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga ng 144th SAC, SAF Abra ang pitong surrenderees para sa gagawing dokumentasyon at pagsusuri.

Mapapabilang din ang mga ito sa mga mabibigyan ng tulong sa ilalim ng Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.

Facebook Comments