7 katao na dadalo sa SONA ng Pangulo, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang 7 indibidwal na nakatakdang dumalo sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte mamaya sa Batasang Pambansa.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar 6 dito ay pawang mga nasa hanay ng technical team ng Malakanyang na naka-assigned sa SONA coverage.

Maliban pa ito kay Deputy Speaker Johnny Pimentel ng Surigao del Sur na una nang kinumpirma na positibo sa virus.


Sinabi naman ni RTVM Director Demic Pabalan na wala naman sa kanilang mga tauhan sa RTVM ang pitong ito na nagpositibo sa COVID-19.

Kagabi aniya kinuha ang swab test sa kanilang lahat at sa iba pang mga may paritisipasyon sa SONA ng Pangulo, at kaninang umaga lumabas at ipinaalam sa kanila ang resulta.

Gayunpaman, sinabi ni Pabalan na mayroon silang isang personnel sa RTVM na nakatalaga sana sa Batasang Pambansa ang nagpositibo sa rapid test.

Pinauwi na aniya ito para makapag isolate at bukas kukuhanan ng PCR swab test.

Nabatid na lahat ng dadalo sa SONA kasama si Pangulong Rodrigo Duterte ay sumailalim sa COVID-19 testing kagabi.

Samantala, sa huling impormasyon mula kay Presidential Spokesperson Sec Harry Roque As of 1:20 pm, magtutungo parin ang Pangulo sa Batasang Pambansa para duon nya ideliver ang kanyang ikalimang SONA.

Facebook Comments