*Cauayan City, Isabela*- Arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng awtoridad ang pitong kalalakihan na wanted sa batas sa Probinsya ng Cagayan.
Nakilala ang mga naaresto na si Bernard Perez, 42 anyos, Top 2 Provincial Level,may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Abbag, Maddela, Quirino matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa kasong Panggagahasa; Romulo Rodriguez, 64 anyos, Top 3 Provincial Level, may asawa, isang magsasaka at residente naman ng Brgy. Nagsabaran, San Juan, Ilocos Sur matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito sa kasong Act of Lasciouviousness at Rape at si Israel Gangan, 35 anyos, Top 10 Provincial Level at Top 3 City Level, may asawa, isang driver at residnete ng Brgy. Cabisera 9-11 sa Siyudad ng Ilagan para naman sa kasong RA 10883 o Anti-Carnapping Act of 2016
Sa kabila nito, inaresto din si Albert Mallillin, 50 anyos, walang asawa at kasalukuyang naninirahan sa Ugac Sur, Tuguegarao City matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa kasong RA 9262 o Violence Against Women and Children; Adelfo Leaño, 51 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Bagay, Tuguegarao City para sa tatlong counts ng kasong RA 7610; Catama Attiw, 72 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. Ambaguio, Nueva Vizcaya para sa dalawang counts ng kasong Frustrated Murder at si Gregorio Batang, 34 anyos, walang trabaho, may asawa at residente naman ng Brgy. San Miguel, Baggao, Cagayan para sa kasong Frustrated Homicide.
Pinuri naman ni Regional Director PBGen. Angelito Casimiro ang operasyon ng mga kapulisan na nagresulta ng pagkakaaresto ng nasabing mga akusado.