7 Katao, Nagpalipas ng Magdamag sa Quarantine Area Matapos na Lumabag sa ECQ sa Lungsod ng Cauayan!

Cauayan City, Isabela- Nasa pitong (7) katao ang muling nahuli ng Apprehension Team sa Lungsod ng Cauayan na lumabag sa curfew kaugnay pa rin sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine.

Mula sa pitong nahuli ay apat (4) rito ay mga kabataan na pawang mga residente ng brgy San Fermin, Cauayan City.

Bukod sa mga nahuling lumabag sa curfew ay walang nahuli ang mga otoridad na lumabag sa liqour ban.


Unang dinala ang mga ito sa himpilan ng pulisya bago ipinasakamay sa Quarantine area sa FLDY Coliseum.

Samantala, nagkaroon na rin ng sariling diskarte ang brgy District 2 sa Lungsod sa pamimigay ng rasyon dahil kinakailangan lamang ng bawat pamilya na maglabas ng isang upuan at doon na lamang ilalagay ang mga relief goods.

Facebook Comments