Cainta Mobile Market, patuloy na mag-iikot ngayong Miyerkules Santo sa Cainta Rizal

82

Patuloy ang ginagawang pag-iikot ng Cainta Mobile Market sa mga lugar na maraming dinadagsa ng tao.


Sa kanyang Facebook page ibinida ni Cainta Rizal Mayor Kit Nieto na hindi lamang ang Mobile Market ang kanyang programa upang ihatid sa kanyang mga kababayan ang pangunahing pangangailangan at hindi na kailangan pang pumunta sila sa mga palengke dahil mismo ang palengke ang lalapit sa kanila.

Bukod sa Cainta Mobile Market, bumuhos din ang mga donasyon mula sa mga pribadong sektor at indibidwal na boluntaryong tumulong sa kanilang mga kababayan.

Kabilang diyan si Dang Gozum na nagdala ng 100 pirasong bread loaf kung saan ay sasamahan naman ng alkalde ng coco jam at kanyang ipadadala sa Blk. 18 Kabisig Hoa ngayon Miyerkules Santo.

Namigay din ng mga gatas at diaper ang alkalde sa mga mahihirap na mga residente ng Cainta Rizal kung saan ay umani ng mga papuri ang alkalde mula sa kanyang mga nasasakupan.

Facebook Comments