*Cauayan City, Isabela*- Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Forestry Code of the Philippines ang pitong katao matapos makumpiska ang mga iligal na pinutol na kahoy sa Brgy. Angang, Tuao, Cagayan.
Ayon sa imbestigasyon ng Tuao Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon na may ibibiyaheng mga kahoy kaya’t agad silang naglatag ng operasyon.
Agad na naharang ng pulisya ang jeep na lulan ang pitong suspek na may lamang 1,900 board feet na red lawan at tinatayang nagkakahalaga ng nasa P100,000.
Napag alaman na tubong Amasian, Pinukpuk, Kalinga ang mga suspek.
Facebook Comments