7 katao, patay matapos masunog ang isang Ferry sa Indonesia

327

Patay ang pitong katao habang apat ang nawawala matapos masunog ang isang Ferry sa Sulawesi Island, Indonesia.

Papunta sana sa Central Sulawesi Island ang Ferry mula sa South Sulawesi Island nang bigla itong masunog.


Ayon sa pulisya, biglang nag-spark ang makina ng Ferry at mabilis na kumalat ang apoy sa iba pang bahagi ng bangka.

Nagsimula ang apoy matapos sumabog ang diesel nito.

Samantala hindi pa naman tiyak kung ilan ang mga pasaherong sakay ng nasabing bangka habang patuloy parin ang paghahanap sa apat na nawawala.

Facebook Comments

From Advertisers