Demarcus Cousins ng Los Angeles Lakers, nagtamo ng injury sa praktis

Bagama’t hindi pa nagsisimula ang 2019-2020 NBA Season ay nagtamo na agad ng TORN ACL Injury sa kanyang tuhod ang center ng Los Angeles Lakers  na si Demarcus Cousins.

Nakuha nito ang nasabing injury habang nasa practice sa Las Vegas.

Aabutin ng halos isang taon bago gumaling ang four-time NBA all star kaya hindi na inaasahang makakalaro siya sa darating na season.


Facebook Comments