7 lugar sa bansa ang idineklara ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na delikado sa Paralytic Shellfish Poison.
Base sa laboratory results ng BFAR, positibo sa Paralytic Shellfish Poison ang lugar ng Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City sa Palawan, Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Irong-irong Bay sa Western Samar, Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Dagdag pa ng BFAR, positibo sa red tide toxin ang Carigara Bay sa Leyte at San Pedro Bay sa Western Samar.
Maaari naman umanong kainin ang mga isda, mga hipon, pusit at alimango kung huhugasan ang mga ito ng maigi at tatanggalin ang mga lamang loob ng mga ito bago lutuin.
Facebook Comments