7-MILYON HALAGA NG WATER PUMPS, IPINAGKALOOB SA MGA ASOSASYON NG MAGSASAKA SA PANGASINAN

Tinanggap ng 70 asosasyon ng magsasaka sa Pangasinan ang higit pitong milyong halaga ng water pumps na ipinagkaloob ng National Irrigation Administration.
Sa isinagawang turn-over ceremony kahapon sa Agricultural Training Institute, Tebag East Sta. Barbara, isa-isang ipinasakamay sa mga representante ng asosasyon ng mga magsasaka mula sa anim na distrito ng probinsiya ang mga water pumps.
Ayon kay Engr. Gertrudes Viado ang Division Manager ng Pangasinan Irrigation Management Office, ipinagkaloob ang mga water pumps dahil sa nararanasang climate change kung saan nagkakaroon nang pagkawala ng tubig ang mga ilog at hindi na nakakarating ang tubig sa kaduluduluhan ng kanal.
Aniya, ito ang sagot upang matugunan ang kakulangan ng tubig sa mga sakahan. Pakiusap nito sa mga asosasyon na ibahagi sa mga miyembro at alagaan upang matagal na mapakinabangan.
Nagpasalamat naman si Pangasinan Governor Ramon Guico Jr. sa tulong ng NIA sa mga magsasaka sa probinsiya at magpapatuloy ang pakikipag usap nito sa iba’t-ibang ahensya upang masiguro ang food security ng mamamayan. | ifmnews
Facebook Comments