Dismissed policeman, arestado dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga

67

Nasakote ng mga elemento ng Anti-Scalawag Unit ng Philippine National Police (PNP) ang isang na-dismis na pulis na matagal nang wanted dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga matapos ang ikinasang drug buy bust operation sa Barangay Roxas District, Quezon City.

Kinilala ni Brig. Gen. Warren de Leon, hepe ng Integrity Monitoring and Enforcement Group ang suspek na si Harold Campos na may ranggong staff sergeant bago nasibak sa serbisyo.

Ayon kay De Leon, nakatanggap sila ng tip kung kaya’t agad silang nagkasa ng operasyon dahilan para malambat ang suspek.


Samantala, nasa P60,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Facebook Comments